Bontoc, Philippines – Kahit nanatiling Corona Virus Disease-19 o Covid-19 free ang rehiyong Cordillera, para mas makaiwas sa nasabing sakit ay tuluyan na munang ikinansela ang Lang-ay Festival sa probinsya ng Mountain Province sa taong ito.
Ang pagkansela ng nasabing pista ay ayon sa mayorya ng opinyon ng mga dumalo sa Provincial Health Board na pinangungunahan ni Governor Bonifacio Lacwasan Jr. kung saan pinag-usapan ang ilang din safety measures patungkol pa din sa pag-iwas sa nasabing sakit.
Ayon sa Gobernador, ang Lang-ay festival lang ang ikinansela pero ang Foundation day ng probinsya ay magpapatuloy sa pamamagitan ng simpleng selebrasyon na gaganapin sa Abril 7 ng umaga sa Provincial Plaza ng Mountain Province na magsisimula sa ecumenical service
Samantala, Chico Karayan Bridge partially open na sa Bontoc Mountain Province para sa mga magpupunta at papasyal sa probinsya.
iDOL, para makaiwas sa virus mas magandang ikansel na lang, di ba?