Ilang lugar sa bansa i-dineklarang walang pasok ng malakanyang

Base sa Proclamation 848, i-dineklara ng Palasyo na special non-working day ang Nov 22 para sa Palayan, Nueva Ecija upang bigyang daan ang selebrasyon ng kanilang taunang Thanks Giving Day.

Special non-working day rin sa Benguet, alinsunod sa Proclamation No. 851, para naman sa selebrasyon ng ika-119 Founding Anniversary nito sa Nov 23, na tumapat sa araw ng Sabado.

Habang nakasaad naman sa Proclamstion No. 852, wala ring pasok sa Angono, Rizal sa November 23 para sa selebrasyon nito ng Higantes Festival.


Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga proklamasyon noong ika-18 at 19 ngayong Nobyembre.

Facebook Comments