Sundalo na may Kasong Panggagahasa, Natimbog!

157

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person municipal level sa bayan ng Mallig, Isabela matapos itong maaresto sa Barangay Holy Friday ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na si Norly Daguna, 29 anyos, may-asawa, miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at residente ng Brgy. Holy friday, Mallig, Isabela.


Ayon sa PNP Mallig, inaresto si Daguna sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC, branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kasong Rape o panggagahasa.

Posibleng makulong ng habang buhay ang akusado dahil walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Mallig ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers