LAOS NA DAW | Bianca Gonzales, ipinagtanggol si Mariel Rodriguez sa mga bashers nito

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ngayon ng tv host na si Bianca Gonzales ang kapwa niya host na si Mariel Rodriguez sa bashers nito matapos na bumalik sa hosting job sa noontime show ng Kapamilya network.

Say kasi ng netizen, laos na at nakakaumay nang makita si Mariel sa nasabing show dahil hindi naman daw ito nakakatulong para maipataas ang ratings.

Pero say ni Bianca, wala na daw itong pakialam kung bumalik si Mariel sa pagho-host dahil trabaho lang daw talaga ang nais niya.


Bukod kay Bianca, may ilang netizens din ang ipinagtanggol si Mariel kung sana kanilang sinabi na talagang magaling na host si Mariel lalo na matagal na ito sa ganitong larangan.

Matatandaan na nagpaalam si Mariel sa show noong June 2016 dahil sa nag-focus ito sa pagbubuntis at kaniya din ipinanganak ang baby girl nila ni Robin Padilla noong November ng kaparehas na taon.

Facebook Comments