Lapu-Lapu, hindi talaga napaslang sa Battle of Mactan – NCHP

Nanawagan ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa mga mang-aawit na huwag baguhin ang kasaysayan.

Ito ay matapos umani ng batikos ang Filipino-American rapper na si Ez Mil dahil sa kanyang kontrobersyal na lyrics patungkol kay Lapu-Lapu.

Ayon kay NHCP Chairperson Rene Escalante, si Lapu-Lapu ay ikinokonsiderang Pilipinong Bayani, at hindi siya napaslang sa Battle of Mactan.


Aniya, ang nasabing sagupaan ay tagumpay ng mga ninuno na pinagunahan ni Lapu-Lapu.

Dapat magsilbi itong paalala lalo na kung paano kilalanin ng mga bayani ang Lapu-Lapu at Mactan bilang pinagmulan ng dignidad at karangalan para sa bansa.

Suportado ng NHCP ang mga bagong kanta na nagbibigay ng kaalaman sa mga tao tungkol sa kasaysayan ng bansa, pero dapat maging responsable ang mga artist sa kanilang obra.

Matatandaang mababasa sa lyrics ng kanta ni Ez Mil kung paano namatay si Lapu-Lapu at pinugutan sa Mactan.

Batay sa history records, pinangunahan ni Lapu-Lapu ang mga lokal na mandirigma noong April 27, 1521 laban sa pananakop ng mga Kastila, kung saan natalo nila at napatay si Ferdinand Magellan.

Facebook Comments