PANGASINAN – Kamakailan lamang ng ating maitampok ang Daang kalikasan na nag uugnay sa Pangasinan at Zambales road kung saan tila marami ang napukaw sa ganda ng tanawin nito na talaga nga namang instagramable feels ang bawat view dito kaya hindi maikakailang marami ang dumarayo ang nagsasadya sa nasabing daan.
Kaakibat nito, sa muling pagbubukas ng Daang Kalikasan na matatagpuan sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan matapos itong isara sa publiko ay muling na namang umarangkasa sa social media ito ay matapos maisapubliko ang ilang kuhang larawan sa nasabing sikat na daan, tila isang napakaganda at refreshing view ang tatambad sayo tuwing gabi na mas pinaganda pa ng mga street lights at mahihinuha rin ang pakurbang ruta at bulubunduking tanawin ng daan.
Ang humigit kumulang limampung apat na kilometro na daang kalikasan na naguugnay sa Umangan, Mangatarem Pangasinan at Guisguis Sta Cruz sa Zambales ay may habang 14.6 na kilometro na inumpisahan taong 2017.
Samantala hindi naman magkamayaw ang mga netizens online na mapuntahan at masaksihan ng malapitan ang nasabing daan, sa katunayan nasa humigit kumulang labing isang libong shares na nga ang nasabing larawan.