Kasabay ito ng kumakalat na larawan hinggil sa mga bangkay ng New People’s Army (NPA) na sinasabing nakaengkwentro ng militar sa bulubunduking bahagi ng Gonzaga, Cagayan noong sabado, Enero 29, 2022.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Capt. Rigor Pamittan, ang pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO), ang larawang kumakalat sa social media ay totoong nangyari ngunit noong nakaraang taon pa ito matapos makasagupa ng mga kasundaluhan sa parte ng Central Visayas partikular sa Negros Oriental.
Sa kasalukuyan aniya ay nasa pinangyarihan pa rin ng bakbakan ang mga awtoridad na nagsasagawa ng hot pursuit operation katuwang ang Philippine Air Force at iba pang law enforcement unit.
Nitong sabado lang ng madaling araw nang makaengkwentro ng 501st Infantry Brigade ang nasa 40 miyembro ng rebeldeng grupo na tumagal ng dalawang oras.
Maswerteng walang naiulat na sugatan sa hanay ng militar habang inaalam pa kung may sugatan sa panig ng rebeldeng grupo.
Hinimok ni Capt. Pamittan ang publiko na ugaliing beripikahin ang mga impormasyon sa social media at iwasang magkalat ng fake news.