Las Piñas Police, bumuo na ng task group na tututok sa pagpatay sa Pasay councilor

Manila, Philippines – Bumuo na ang Las Piñas Police ng Special Investigation Task Group (SITG) Rivera na tututok sa imbestigasyon sa pagpatay kay Pasay Councilor Borbie Rivera sa isang shopping mall sa Las Piñas kagabi.

Ayon kay Las Piñas PNP chief, Senior Superintendent Marion Balonglong, ang naturang task group ay binubuo ng six-man special team.

Sa ngayon aniya, nangangapa pa ang team sa mga ebidensya at umaasa sila na makakatulong ang kopya ng Closed-Circuit Television (CCTV) footages na ibibigay sa kanila ng pamunuan ng SM South Mall.


Naguguluhan din aniya sila sa malabong statements ng dalawang security guards ng mall.

Sinabi ni Balonglong na wala rin silang makuhang impormasyon sa mga kaanak na kasama ni Rivera sa mall dahil ayaw makipagtulungan ng mga ito.

Facebook Comments