Ipinagmalaki ng pamunuan ng Las Piñas City Government ang naging matagumpay na pagsagawa ng Seminar-Workshop on Values for City Government Employees para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod na nakatuon naman sa Republic Act 6713 o mas kilala sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ayon kay Las Piñas City Mayor Mel Aguilar, inimbitahan nila si Ms. Laura D. Mangorangca, Director II ng Civil Service Commission ng NCR Field Office na maging tagapagsalita at makapagbahagi ng mga importanteng bagay tungkol sa kahalagahan ng values sa mga empleyado ng gobyerno.
Paliwanag ng alkalde na layunin ng seminar na mabigyang linaw ang mga bagay na pumapaloob sa pagse-serbisyo sa gobyerno,
Dagdag pa ni Aguilar na marami silang natutuhan kung ano ang mga nararapat na gawin at iba pang paksang makatutulong na makapagbigay dagdag kaalaman sa mga empleyado sa usapin ng code of conduct at ethical standards.
Inatasan ng alkalde ang Human Resources and Management Office ng Las Piñas sa pagsasagawa nito at ipinarating din ng alkalde ang kanilang pagpapahalaga sa mga manggagawa.