Bea Alonzo, Maricel Laxa, kasama sa casts ng international movie na ‘1521: The Battle of Mactan’

78

Napabilang ang mga aktres na sina Bea Alonzo at Maricel Laxa sa magiging cast ng international movie na “1521: The Battle of Mactan”.

Makakasama ng mga Pinay actress sa naturang pelikula ang American actor na si Danny Trejo, na bumida noon sa “Machete” at “From Dusk Till Dawn.”

Ibinahagi ni Bea sa kaniyang Instagram stories ang kanilang group photo kung saan nakasuot sila ng pulang sumbrero na may nakalagay na “1521.”


Ayon sa ulat, nagsimula na ang shooting ng pelikula sa iba’t ibang lokasyon sa Palawan noong Agosto 2.

Bibigyang direksyon ng direktor na si Michael Copon ang pelikula, kung saan bida rin ang mga aktor na sina Hector David Jr., Costas Mandylor, at Terry Amos.

Facebook Comments