Dalawang araw nang naglilibot ang mga tauhan ng Las Piñas City Veterinary Services Office (CVSO).
Ito ay para magbigay ng bakuna kontra rabies sa mga alagang aso at pusa ng mga taga-Las Pinas.
Una nilang pinuntahan ang Christ the King Subdivision sa pakikipagtulungan ng Barangay Talon Kwatro at Homeowners Association.
Kasunod nito ang CH Woodsrow 3 sa Barangay Manuyo Dos.
Layunin ng hakbang ng CVSO na maprotektahan ang mga residente sa banta ng rabies virus.
Pinaalalahanan din ng CVSO ang mga residente na huwag pabayaang pagala-gala ang mga alagang hayop at tiyaking updated ang kanilang bakuna kontra rabies.
Facebook Comments