Most wanted person sa Romblon, arestado sa Taguig City

82

Tapos na ang 18 taong pagtatago sa batas ng isang most wanted person sa Odiongan, Romblon matapos itong maaresto sa lungsod ng Taguig pasado alas-5:30 kahapon ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Reynaldo Magrado Maybunga, 44-antok, at nagtatago sa Barangay Calzada-Tipas, lungsod ng Taguig.


Sa ginawang manhunt operation laban sa kanya, natunton ang kinaroroonan ng suspek.

Kaya naman agad na inihain sa kanya ang warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Francisco Fanlo Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 82, Odiongan, Romblon noon pang January 8, 2002.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Taguig City Police Station habang inaayos ang paglipat sa kanya pabalik ng Romblon upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments