Las Piñas City LGU, nagtakda na ng mga lugar para sa kanilang vaccination program

Nagtakda ngayon ang Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas ng mga vaccination sites sakaling dumating na ang inaprubahang bakuna ng gobyerno.

Kaugnay nito, nagpulong ang mga opisyal ng Las Piñas City LGU kasama ang mga department heads at doctor ng City Health Office upang ilatag ang mga hakbang at paghahanda sa isasagawang vaccination program na inaasahang sisimulan sa susunod na buwan.

Para masiguro ang kaayusan at matiyak na maipatutupad ang minimum health protocols, nasa 13 vaccination sites sa District 1 at District 2 ang itinakda ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas.


Ang mga nasabing vaccination sites ay pawang mga eskwelahan at covered court kung saan kanilang inihahanda ang plano para dito.

Mayroon rin pitong itinakdang pre-registration sites sa lungsod at ikinokonsidera pa ang tatlong karagdagang lugar para sa maagang pagpaparehistro ng mga residenteng nagnanais na kumuha ng libreng bakuna.

Nananatiling prayoridad ng Las Piñas City Government ang seguridad sa kaligtasan, kalusugan at kapakanan ng kanilang mga residente lalo na at hindi pa rin nawawala ang virus at mayroon pa itong bagong variant.

Pinaalalahanan pa rin ang lahat na mag-ingat, maging disiplinado at patuloy na sumunod sa health and safety protocols na itinakda ng pamahalaan.

Facebook Comments