Lascañas, rehash na ang testimonya

12

Tinawag na rehash ni PBA Rep. Mark Aeron Sambar ang testimonya ni SPO3 Arturo Lascañas sa isinagawang imbestigasyon kanina ng Senado.

 

Ayon kay Sambar, rehash lamang ng mga naunang pahayag ng self-confessed DDS member Edgar Matobato ang mga pahayag kanina ni Lascañas na kumukumpirma lamang na mayroong Davao Death Squad.

 

Para kay Sambar, bukod sa walang bago sa testimonya ngayon ni Lascañas sa Senado ay wala din siyang nakitang explosive dito.

 

Hinimok ni Sambar ang senado na disiplinahin si Lascañas dahil sa pag-bawi nito sa mga naunang testimonya.

 

Sinabi ni Sambar na hindi dapat malambot ang senado kay Lascañas dahil bad precedent ito.

 

Kung kukunsintihin si Lascañas ng Senado ay maaaring masundan ng kung sino sinong haharap sa kongreso at magsinungaling na lamang.

Facebook Comments