Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong Associate Justice ng SC

95

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Samuel Martinez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

 

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment papers ni Martinez noong March 2 at ngayong araw ito naibigay sa Korte Suprema.

 

Si Martinez ay pumalit kay Justice Jose Perez na una nang nagretiro sa posisyon.

 

Malugod namang tinanggap ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at mga Associate Justices ng Korte Suprema ang pagkakatalaga kay Martinez bilang bago nilang miyembro.



Facebook Comments