Negros Occidental – Patay ang apat na buwang sanggol na babae matapos ihagis ng kanyang lasing na ama sa Silay City, Negros Occidental.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang sanggol na itinago sa pangalang Yannah habang ang suspek na tatay nito ay si Marjohn Cusay.
Sa imbestigasyon, umuwing mainit ang ulo at lasing ang suspek matapos na magkulang ang ibinayad sa kanyang nai-deliver na mga kawayan.
Nairita si Cusay sa pag-iyak ng kanyang anak kaya at binuhat niya ito at inihagis sa ka-live in.
Pero hindi nasalo ng ginang ang bata kaya at tumama ang ulo at katawan nito sa haligi ng bahay saka bumagsak sa sahig.
Aminado ang suspek sa krimen at pinag-aaralan pa ng ina ng bata kung ipupursige ang kasong isasampa laban sa kaniya.
Facebook Comments