Malabon City – Nang dahil sa kalasingan, binaril ang isang lalaki matapos mag amok sa Barangay Muzon, Malabon City, alas dose ng hating gabi.
Nakilala ang biktima si Alvin Bangayan, 26-anyos na binawian ng buhay habang nakasakay sa motorsiklo matapos tamaan ng bala sa katawan at ulo.
Ayon kay Jenica, ate ng biktima nasa inuman si Alvin pero tinext niya ito para sabihin na ibalik sa bahay yung motorsiklo.
Hanggang sa kinalampag nalang sila ng mga kapitbahay para ipagbigay alam na pinagbabaril ang kanyang kapatid sa Kaunlaran Street.
Nakita sa crime scene ang 15 basyo at 2 slug ng baril habang may nakuhang patalim sa bewang ng biktima.
Lumalabas sa inisyal na imbistigasyon ni PO2 Jose Romeo Germinal ng Malabon Pulis na may nakaaway ang biktima matapos mag-amok sa kalsada dala ng kalasingan.
Sa pagtatalo dito na siya pinagbabaril at tumakas ang suspek gamit ang isang motorsiklo na nasalubong lamang niya.
Tinutugis na ngayon ang kapitbahay ni Alvin pero hindi pa muna pinangalanan ng mga otoridad ang nakatakas na suspek.