Lasing na Binata sa Cauayan City, Binugbog ng Dalawang Kalalakihan!

Cauayan City, Isabela – Binugbog kahapon ng dalawang kalalakihan ang isang lasing na binata sa Purok 8, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Resty Baccay Gonzales, dalawampu’t limang taong gulang at nakatira sa nabanggit na lugar.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Jeremy Padua Paulo, dalawampu’t anim na taong gulang, walang asawa, residente ng Purok 7, Cabaruan, Cauayan City; Rolando Padua Pascual, dalawampu’t anim na taong gulang, walang asawa, at residente rin ng Purok 8, San Fermin, Cauayan City.


Napag-alaman ng mga otoridad na pumunta umano ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan upang makipag-inuman ngunit nang pauwi na umano ito ay humarang sa daanan niya ang dalawang suspek at sa hindi malamang dahilan ay binugbog ang biktima.

Sa resulta ng pambubugbog ay nagtamo ng pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na dinala naman sa IUDMC habang ang suspek ay inaresto ng mga otoridad at inihahanda ang inquest proceedings nito.

Facebook Comments