Pitong Kalalakihan sa Cauayan City, Arestado sa Kasagsagan ng Bagyong Ompong Dahil sa Liquor Ban!

Cauayan City, Isabela – Arestado ang pitong kalalakihan sa kasagsagan ng bagyong ompong dahil sa paglabag ng mga ito sa ipinalabas ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na liquor ban bago paman dumating ang naturang bagyo.

Kinilala ang mga nakulong sa piitan ng Cauayan City Police Station na sina Jerwin Ramirez Espiritu, Erelyn Ramirez Espiritu, Michael Ormita Agsunod, Edmund Pattaui Dela Cruz, Edmund De Guzman Dela Cruz, Jonathan Rmirez Espiritu at Johnny Yawi Andress.

Naaktuhan na umiinom ang mga suspek sa Bana Uy Street, Barangay District 1 Cauayan City, Isabela.


Nakalaya naman ang pitong kalalakihan noong araw ng sabado matapos na makapaglagak ng multang isang libong piso bawat isa sa tanggapan ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan.

Facebook Comments