Lasing na Drayber, Patay Matapos Mabangga ng 2 Sasakyan!

190

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki habang sugatan ang backrider nito matapos bumangga ang sakay na motorsiklo sa kasalubong na sasakyan at mabangga rin ng kasunod na Van sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nasawi na drayber ng motorsiklo na walang plaka na si Armando Alvarez, 43 anyos, at residente ng brgy. Nungnungan 2 sa Lungsod ng Cauayan.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, patungong bayan ng Alicia ang motorsiklo at nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan ay sumalpok ito sa kasalubong na Hyundai Starex na minamaneho ni Domingo Taguinod, 54 anyos na taga Brgy. Labinab, Cauayan City.

Pagkatapos ng salpukan ay nabangga rin si Alvarez ng sumusunod na Hyundai Starex Van na minamaneho ni Querubin Tamayo, 36 anyos na residente naman ng Minante II, Cauayan City.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Alvarez maging ang backrider nito na hindi pa nakikilala.

Naidala pa sa ospital ang dalawang sakay ng motorsiklo subalit idineklarang dead on arrival (DOA) si Alvarez.

Nabatid na positibo sa nakalalasing na inumin si Alvarez nang ito ay bumaybay sa lansangan.

Kaugnay nito, nagkaaregluhan din kahapon ang mga magkabilang panig at sasagutin na lamang ng mga suspek ang lahat ng gastos sa pagpapalibing sa biktima.

Facebook Comments