Lasing na Lalaki, Arestado sa Pag-iingat ng Baril!

44

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng kapulisan ang isang magsasaka dahil sa paglalabas nito ng kanyang baril sa Brgy Victoria, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya na may isang lasing na lalaki ang may dala-dalang baril sa kanilang lugar.


Sa pagresponde ng kapulisan ay naaktuhan ang suspek na kinilalang si Roldan Pascua, 28 taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) Caliber 38 na baril, bala at mga basyon ng naturang kalibre.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasiong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“.

Facebook Comments