Traysikel Drayber, Nagsariling Maaksidente; Patay!

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang traysikel dryaber matapos magsariling maaksidente kagabi sa kahabaan ng Brgy. Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Rolly Bautista, 33 taong gulang, residente ng Brgy. Baculod, City of Ilagan, Isabela.

Una rito, habang bumabaybay sa lansangan ang biktima lulan ang miamanehong traysikel at nang makarating sa pababang bahagi ng daan ay lumampas sa linya ang biktima kaya dumeretso at bumangga sa concrete gutter ng isang gasolinahan.


Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima at dinala pa ng Rescue 1124 sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Facebook Comments