Lasing na lalaki nanaksak sa Pangasinan

129

Sugatan ang 23 taong gulang na lalaki matapos itong saksakin ng lasing na lalaki sa San Carlos City.
Isinugod sa hospital ang biktimang si John Denver Guttierez matapos itong saksakin ng suspek na si John Marc Palisoc, 19 taong gulang.
Sa imbestigasyon ng otoridad, galing ng computer shop ang biktima ng maabutan nito ang suspek at dalawa pang kasamahan na nangugulo sa kanilang tahanan ang hinahanap ang kuya ng biktima.
Nang hindi nito mahanap ang kuya ng biktima, sinaksak na niya ito sa bahagi ng kaliwang kamay.
Samantala, nasa kustodiya na ng San Carlos City PNP ang suspek at ang dalawa pang kasamahan nito.

Facebook Comments

From Advertisers