Higit 11k na nagparehistro sa Voter’s Registration sa Dagupan City, naitala

29

Naitala ng Commission on Elections o COMELEC Dagupan ang 11, 730 na dumagdag na bilang ng bagong botante sa siyudad ng Dagupan City sa isang buwan na ginawang voter’s registration ng ahensya.

Ayon kay Michael Frank Sarmiento, COMELEC Officer ng Dagupan City, mataas na umano ang nasabing bilang at maituturing na matagumpay ang isinagawang pagpaparehistro ng mga botante.


Bagamat may mga hindi nakahabol sa deadline ng voter’s registration hindi umano ito kasalanan ng COMELEC sapagkat hindi nagkulang ang ahensya sa pagpapaalala.

Samantala, sa pag-apruba ng Senado na iurong ang Barangay At SK Election tuloy tuloy pa rin ang paghahanda ng ahensya sa mga posibleng mangyari ukol sa botohan.

*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments

From Advertisers