Lasing na trabahador sa morge, naaktuhang nakikipagtalik sa bangkay

Nahuli ng awtoridad sa akto ang isang lango na trabahador ng morge sa Brazil na nakikipagtalik sa patay na babae noong Nobyembre.

Sinibak si Wanderley dos Santos Silva, 55, ng Institute of Medicine sa Manaus at isa pang tauhan na nanonood sa pangyayari, ayon sa ulat ng Mirror.

Nagtungo ang isang pulis sa morge upang kumalap ng impormasyon tungkol sa namatay, nang madatnan si Silva na nakapaibabaw sa katawan ng minor de edad.


Ayon sa ulat, nanggaling ang dalawang trabahador sa kasiyahan para sa pagkapanalo ng kanilang grupo sa soccer nang mapadpad sila sa opisina kinaumagahan kung kailan nangyari ang insidente.

Naiulat na rin ang nangyari sa Department of Forensic Police at pinatalsik kalaunan sa trabaho si Silva at ang hindi pinangalanang kasamahan.

Hindi naman nabanggit kung dinala sa kustodiya ng pulisya si Silva, ngunit nakahain na umano ang kasong necrophilia.

Maaaring makulong mula isa hanggang tatlong taon ang salarin kung mapatunayang may sala.

Nagkabit naman ng mga camera ang institusyon para maiwasan ang katulad na insidente.

Facebook Comments