Biyaheng Bicol at Visayas, fully booked na isang linggo bago ang Pasko

Pahirapan na ang pagkuha ng ticket para sa mga pasaherong uuwi ng Bicol at Visayas ngayong kapaskuhan.

Sa Araneta Bus Center Terminal, maraming bus ang maagang nag-sara ng kanilang booking dahil nagkaubusan na ng ticket, isang linggo bago ang Pasko.

Tulad na lamang ng Elavil Bus na byaheng Matnog, Irosin at Sorsogon City, wala ng mabiling ticket mula December 20 hanggang December 28.


Ang St. Magdalene Bus naman na byaheng Visayas ay wala na ring mabiling ticket mula December 19 hanggang December 28.

Ayon sa mga booking officer ng mga kompanya ng bus, noong December 10 pa lamang ay nagsimula na ang mga booking ng mga pasahero.

Facebook Comments