Kung nakaraang linggo ay nasa halagang isang-daang piso (₱100) kada kilo ang lasona na alternatibong pamalit sa pulang sibuyas ngayon ay dumoble na rin ang presyo nito.
Nasa dalawang-daang piso (₱200) na ang kada kilo ng lasona sa ilang pamilihan sa Dagupan City.
Ayon sa ilang pamilihan na nagtitinda sa lungsod, sumipa ang presyo ng lasona dahil sa mataas na demand nito pero kaunti naman ang suplay.
Kung ang lasona ay nasa dalawang-daang piso (₱200) na ngayon, lalo namang tumaas ang presyo ng pulang sibuyas na nasa sa higit apatnaraang piso (₱200) na.
Halos wala na ring nagtitinda ng pulang sibuyas dahil sa taas ng puhunan.
Ayon sa Department of Agriculture Region 1, asahan na ang pagbaba at pagbalik sa normal na presyo ng pulang sibuyas sa mga susunod na buwan dahil anihan na rin iyon ng mga Onion growers.
Sa ngayon, nasa kabuuang na 5, 472 metric tons ng lasona na ang naani sa rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments