MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION, ISASAGAWA SA BAYAN NG SAN MANUEL

Isasagawa ngayong buwan ng Enero hanggang Marso ng Taon ang Massive Anti-Rabies Vaccination sa bayan ng San Manuel, lalawigan ng Pangasinan.
Inilatag na ng lokal na pamahalaan ng bayan ang mga nakatakdang petsa sa bawat barangay dito.
Mag-uumpisa naman ang nasabing vaccination activity sa mga Barangay ng Narra, Cabacaraan at Nagsaag ngayong buwang ng Enero sa petsang 23.

Naglalayon ang aktibidad na mabawasan ang kaso ng rabies sa nasabing bayan at makapagpanatili ng mga malinis at ligtas na mga alagang hayop.
Samantala, para sa iba pang impormasyon ukol dito, maaaring magtungo ang mga residente sa Municipality of San Manuel Facebook page. | Ifmnews
Facebook Comments