LAST CHANCE | Pagbabalik ng peace talks ng Gobyerno sa CPP-NPA-NDFP, ipinag-utos na ni Pagulong Duterte

Manila, Philippines – Pormal nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na bumalik sa pakikiupag-usap sa CPP-NPA-NDFP.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque.

Aniya, mahigpit ang utos ng Pangulo na magkaroon ng ceasefire agreement para matapos na ang pag-atake ng New People’s Army sa mga sundalo at pulis.


Handa rin aniyang suportahan ng pangulo ang mga rebelde para matigil na ang paniningil ng “revolutionary tax” sa mga pribadong kumpanya.

Nauna nang naglabas ng kautusan ang Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na palakasin ang kanilang effort para tulungan ang mga rebeldeng nais magbalik-loob.

Umaasa naman aniya ang Pangulo na sa pagkakataong ito ay magiging sincere na sa peace talks ang CPP-NPA-NDFP dahil “last chance” na raw nila ito.

Facebook Comments