Tuloy-tuloy ang mga last minute Christmas shopper sa Quiapo, Maynila, dalawang araw bago ang Pasko.
Kasabay nito unti-unti na ring bumibigat ang daloy ng trapiko sa mga lugar na nasa paligid ng Quiapo, at ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga vendor sa may Plaza Miranda papuntang simbahan.
Karamihan sa mga mamimili ay dumadagsa sa mga bilihan ng laruan, damit, Christmas gift wrappers, at prutas.
Ayon sa mga nagtitinda, pinakamabili talaga ngayong araw ang mga pambalot at angpao.
• Ang pao (small) – ₱10
• Ang pao (big) – ₱25
• Christmas gift wrapers – ₱20 kada apat na piraso
• Christmas gift tags – ₱5 hanggang ₱50
Samantala, pagdating naman sa presyo ng prutas ngayong araw:
• Mansanas at Orange o Ponkan – ₱50 hanggang ₱100 kada tumpok
• Mangga, Lemon, at Peras – ₱50 kada tumpok
• Kiat-kiat – ₱70 ang isang net
• Kiwi at Persimon – ₱100 kada tumpok
• Ubas – ₱40 (1/4) hanggang ₱60
Isa rin sa mga dinadayo dito ng mamimili ay yung hot castanas na nasa ₱400 kada kilo.
Sinabi rin ng mga nagtitinda ng prutas na posibleng tumaas pa ang presyo nito sa mga susunod na araw habang papalapit ang bagong taon.