LAST MINUTE | Mga mamimili, dagsa pa rin sa Divisoria

Divisoria – Tuluy-tuloy ang dagsa ng mga mamimili sa Divisoria sa Maynila para sa kanilang last minute Christmas shopping.

Nasa mahigit tatlumpung PNP personnel ang nakaduty mula ala-syete ng umaga hanggang alas-syete ng gabi para magbigay ng seguridad sa Divisoria.

Mayroon din silang first aid desk sakaling may mangailangan ng agarang medikal na atensyon.


Paalala naman ng PNP, maging alerto at bantayan ang pera at gamit laban sa mga mandurukot.

Facebook Comments