TINAMBANGAN | Lalaki, patay matapos pagsasaksakin sa Binondo

Manila, Philippines – Patay ang isang 74 anyos na lalaki, matapos pagsasaksakin sa CM Recto Binondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Jose Theola, residente ng ina nang Awa building sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD Homicide Division, pauwi na ang biktima ng saksakin ng isang lalaki.


Naisugod pa siya sa Jose Reyes Memorial Center ngunit agad nang binawian ng buhay.

Nakitaan ng saksak sa dibdib, likod at kamay ang biktima.

Hindi pa tukoy ang pag kakakilanlan ng suspek na nakasuot ng putting t-shirt at itim na pantalon.

Inaalam pa ang motibo sa krimen.

Facebook Comments