MANILA – Inilabas na ng pamilya Marcos ang last will and testament ni dating Ferdinand Marcos.May petsa itong March 17, 1982 at may lagda ng dating Pangulo.Ayon sa abogado ng pamilya Marcos na si kay Atty. Yvette Leynes, ang unang bilin ni Marcos ay mailibing alinsunod sa itinatakda ng batas ng may dignidad at naaayon sa kanyang posisyon.Hindi naman isinapubliko ang mga habilin para sa asawang si Imelda at sa mga anak dahil confidential na ito.Inilabas ang naturang testamento para kontrahin ang sinasabi ng mga anti-Marcos sa paglibing sa dating Pangulo sa libingan ng mga bayani na ang ibig sabihin ng LNMB ay libingan ni Marcos sa Batac kung saan sa tabi ng puntod ng kanyang ina ang dapat na paglibingan sa kanya.
Facebook Comments