LATE | Liderato ng Senado, dismayado sa kabiguan ng Kamara na maisumite sa takdang oras ang proposed budget

Manila, Philippines – Dismayado sina Senate President Tito Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa kabiguan pa rin ng Kamara na maisumite sa Senado ang panukalang 2019 national budget.

Diin ni Senator Sotto, masyado ng late kung sa November 28 pa iaakyat ng Kamara sa kanila ang general appropriations bill.

Ayon kay Sotto at Zubiri, sa ganyang petsa ay hindi na sigurado kung kanilang makakamit ang target na pagpasa sa national budget sa December 12.


Binanggit pa ni Zubiri na sa December ay anim na session days na lang nalalabi.

Bunsod nito ay plano ni Zubiri na imungkahi sa mga kasamahang senador na paabutin hanggang Biyernes ang Lunes hanggang Miyerkules lang na session para matapod ang budget deliberations.

Facebook Comments