‘Latest version’ ng K-to-12 curriculum, bubuoin ng DepEd

Nagpapatuloy ang review ng Department of Education (DepEd) para sa pagbuo ng ‘latest version’ ng K-to-12 curriculum.

Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, nasa kalagitnaan sila ng pag-update ng curriculum.

Para sa School Year (SY) 2020-2021, tinukoy ng DepEd na ang Most Essential Learning Competencies (MELCs) ang dapat mabigyan ng atensyon habang inihahatid ang basic education services sa gitna ng pandemya.


Ang enhanced version o tinatawag na “2022 version K to 12 curriculum” ay inaasahang maisasapinal sa katapusan ng taon.

Magsasagawa ang DepEd ng konsultasyon sa iba concerned groups para makapinggan ang lahat ng opinyon at sentimiyento patungkol sa basic education.

Facebook Comments