LAUNCHING AT MOA SIGNING NG KASIMBAYANAN PROGRAM, ISINAGAWA NG PNP ISABELA

Matagumpay na isinagawa ng Isabela PNP na pinamumunuan ni Provincial Director PCol Julio R Go ang Launching, Signing ng Memorandum of Agreement at Orientation para sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN Community Mobilization Program na ginanap sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Ito ay layong lalong mapatibay ang ugnayang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan sa probinsya.

Itinampok sa naturang aktibidad ang recitation at signing ng PNP KASIMBAYANAN Pledge of Commitment, simultaneous pinning ng KASIMBAYANAN Pin at Ceremonial signing ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Memorandum of Agreement sa pagitan ng PNP members, religious personalities, LGU officials at iba pang stakeholders.

Nagbahagi naman ng makabuluhang mensahe si DILG Provincial Director Engr. Corazon T. Toribio, Provincial Director, DILG Isabela na siyang Guest of Honor and Speaker kung saan kanyang pinuri nito ang napakagandang layunin ng KASIMBAYANAN Project gayundin ang kanyang buong suporta sa lahat ng mga proyekto ng kapulisan.

Nagpasalamat naman si PCol GO sa lahat ng mga nakilahok sa aktibidad at kanyang ring ipinagbigay diin ang kahalagahan ng naturang proyekto.

Samantala, sa huling bahagi naman ng aktibidad ay isinagawa ang Cascading at Orientation hinggil sa REVITALIZED PNP KASIMBAYANAN Community Mobilization Program sa pamamagitan ng zoom meeting sa pangunguna ni PCol Gemma C Vinluan.

Ang naturang zoom meeting ay nilahukan ng mga Provincial Police Offices ng PRO2 at maging ang kanilang mga Life Coaches sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments