LALAKI, HULI SA PANGMOMOLESTIYA

26
Natimbog rin ng mga otoridad ang isang lalaking wanted person sa Lungsod ng Cauayan sa bisa ng isinilbing warrant of arrest nito.

Ang suspek ay nakilalang si Eugene Gabriel, 36 taong gulang, laborer, walang-asawa at residente ng Brgy. Nungnungan 1, Cauayan City, Isabela.

Dinakip si Gabriel ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni judge Mary Jane Socan ng MTCC Cauayan City na may petsang September 6, 2022 para sa kinakaharap na kasong Act of Lasciviousness.

Pansamantala namang makakalaya ang akusado kung makakapag piyansa ng halagang P36,000.

Facebook Comments