LAUNCHING NG MODERNIZED JEEPNEY SA BAYAN NG MANAOAG, ISASAGAWA NGAYONG ARAW

Nakatakdang isagawa ngayong araw ang launching ng mga Modernized Jeepney sa bayan ng Manaoag.
Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario, darating ang mga opisyales ng LTFRB kaugnay sa nasabing launching ng mga Modernized Jeepneys.
Aniya, malaking bagay ang pagdating ng mga Modernized Jeepney dahil makakatulong ito sa pagbiyahe ng mga commuters papuntang Manaoag.

Dumating nitong nakalipas na weekend ang nasabing mga Modernized Jeepney na nasa mahigit dalawampung unit na inaasahang babyahe papuntang Manaoag at aabot hanggang mga bayan ng Laoac, Pozorrubio hanggang Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments