Walang dapat ikatakot ang mga mamamayang sumusunod sa batas hinggil sa bagong Anti-Terrorism Law.
Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pagkwestyon at pangamba ng oposisyon, human rights advocates at iba pang grupo hinggil sa batas.
Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi dapat ikatakot ng publiko ang bagong batas lalo na kung hindi sila terorista.
Matapang ding inihayag ng Pangulo na may karapatan siyang patayin ang sinumang papatay.
May karapatan ang Pamahalaan na ipagtanggol ang bansa sakaling umatake ang mga terorista.
Inaasahan na rin ni Pangulong Duterte na hahamunin ang batas sa Korte Suprema pero iginiit niya na kailangan ng Pamahalaan ng legal weapon para labanan ang terorismo.
Nabatid na pinirmahan ni Pangulong Duterte bilang batas ang Anti-Terrorism Act of 2020 nitong July 3.