Manila, Philippines – Naka-heightened alert na ang mga law enforcement agency at safety unit ng pamahalaan para sa Semana Santa.
Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdagsa sa mga bus terminal, paliparan at pantalan ng mga magsisipag-uwian sa kani-kanilang probinsya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – hindi lamang para sa kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2017” ang pagtataas ng alerto kundi sakop din nito buong summer season.
Samantala, bukod sa mga terminal bus, pantalan at paliparan – nakatutok na rin ang pulisya sa pagbabantay ng seguridad sa mga simbahang dadayuhin ng mga tao para sa Visita Iglesia ngayong Holy Week.
Sa Maynila, 760 pulis na ang ipinakalat ng PNP sa 92 simbahan sa lungsod kabilang na ang Manila Cathedral at Quiapo Church.
Tiniyak din ng otoridad na handa ang kanilang emergency response services, sakaling kailanganin ng pagkakataon.