Law Expert: ‘Mas mataas pa rin ang popularity ni Pangulong Duterte dahil may malasakit sa tao’

Cauayan City, Isabela- Tingin ng ilang law expert kung bakit nananatiling popular si Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa madamdaming koneksyon nito sa publiko.

Ayon kay Sangguniang Panlungsod Member Atty. Paul Maurico, Lungsod ng Cauayan, ito ay sa kabila ng ‘malasakit sa ordinaryong tao’ kung bakit patuloy na namamayagpag sa mataas na rating sa mga survey ang pangulo.

Aniya, kontrobersyal din ang pagsasabatas ng ‘Anti-terror Bill’ dahil sa pagsusulong ni Pangulong Duterte upang labanan ang terorismo sa bansa at mapangalaan ang mga mamamayan laban dito.


Umani rin ng samu’t saring komento ang batas na ito dahil sa ilang probisyon na umano’y labag sa konstitusyon gaya na lamang ng ‘warrantless arrest’na matinding binabatikos ng mga kritiko ng Pangulo.

Samantala, isa rin sa isinusulong ngayon ang ‘CHA-CHA’ para sa pagbabago ng konstitusyon para maging federal government.

Facebook Comments