Law professor, kinastigo ng SC dahil sa sexual harassment

Sinuspinde ng Korte Suprema ang isang law professor sa Xavier University sa Cagayan de Oro City dahil sa sexual harassment sa kanyang mga estudyante.

Si Attorney. Cresencio P. Co-Untian. Jr., ay sinuspinde ng Supreme Court (SC) ng limang taon sa pag-practice ng abogasya at 10 taon sa pagtuturo sa alinmang law school.

Ang kaso laban kay Co-Untian ay nag-ugat sa reklamo ng tatlong law students.


Ayon sa isang estudyante, pinadalahan siya ng mga bulaklak at ng mga romantic text messages at love notes ni Co-Untian at niyaya rin na pumunta sa Camiguin subalit kanya itong tinanggihan.

Ang isa namang law student ay nagreklamo dahil sa pagpapakita sa kanya ni Co-Untian ng larawan ng isang hubad na babae na kamukha niya at pagtukso sa kanya ukol dito sa harap ng iba pang mag-aaral.

Sinabi rin ng nasabing estudyante na nagdulot ito sa kanya ng depression at hindi siya nakasali sa Moot Court Competition

Nagreklamo din ang isa pang estudyante ni Co-Untian dahil sa paggamit ng sexually charged language para tumugon sa sagot niya sa isa nilang class recitation at pagkwento pa ng professor sa iba pa nitong klase ukol sa kanyang naging kahihiyan.

Ayon sa SC, malinaw na sexual harassment ang ginawa ni Co-Untian sa kanyang mga estudyante kung saan nabastos at napahiya ang tatlo sa mga ginawa ng law professor.

Facebook Comments