Kinilala ang biktima na si Justin Gabriel Llana, 30-anyos, may asawa, at residente ng Paddad, Alicia, Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMSGT. James Bosalla ng PNP Maconacon, isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen hinggil sa insidente umano ng pagkalunod na kaagad naman nilang tinugunan upang beripikahin ang impormasyon at nagsagawa agad ng rescue operation.
Lumabas pa sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, ang biktima at kanyang classmates na sina Ariel Lioad,32-anyos, may asawa, isang fire non-commissioned officer na nakatalaga sa Reina Mercedes at residente ng Brgy. District 1, Cauayan City at dalawang iba pa ay nagkayayaang maligo sa dagat nang bigla nalang hampasin ng malakas na alon ng tubig.
Nagawang mailigtas ang biktimang si Lioad ng isang mangingisda ngunit hindi pinalad na maligtas ang biktimang si Llana at hindi na nagawa pang makitang umahon na pinaniniwalaang lumubog.
Pasado ala-1:30 ng hapon, nang matagpuan ng mga rumespondeng kasapi ng PNP Dinapigue, MDRRMO, at mga mangingisda ang wala nang buhay na katawan ng law student.
Bago ito, nagsagawa ng outreach program ang grupo ni Llana upang magbahagi ng kaalaman tungkol sa katarungan.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya si ISU President Dr. Ricmar Aquino dahil sa nangyaring trahedya maging ang mga classmates nito ay labis na nalungkot ng mabalitaan ang insidente.
Bukod sa pagiging law student, isa ring Guro si Llana ng isang pribadong paaralan.