LAYA NA | 3 abugadong hinuli ng Makati police, pinalaya na

Makati City – Pinakawalan na ang tatlong abogado ng Times Bar na unang inaresto dahil sa kanilang pagharang sa search operation ng mga pulis sa naturang bar.

Pansamantalang nakulong sina Atty. Jan Vincent Sambrano Soliven, Lenie Rocel Elmido Rocha at si Romulo Bernard Bustamante Alarkon sa Makati City police.

Pero sa bisa ng utos ng piskal ay nakalaya ang tatlong abogado ng Desierto & Desierto Law Firm pasado 8:30 Biyernes ng gabi.


Itinakda naman sa August 28, 2018 ang preliminary investigation sa kanilang kinakaharap na mga kaso.

Maliban sa obstruction of justice, ay nahaharap din ang tatlong abogado sa disobedience to persons of authority at constructive possession of illegal drugs.

Ang Times Bar ay una nang sinalakay ng mga pulis dahil sa bentahan umano ng party drugs sa mga kustomer.

Facebook Comments