Layunin ng 2023 budget, hindi makakamit kung atrasado ang paggastos ng mga ahensya ng gobyerno

Maipasa man sa takdang petsa ng Kongreso ang proposed 2023 national budget ay mawawalan din ito ng saysay at hindi makakamit ang layunin kung atrasado naman ang paggastos dito ng mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto, kailangang matiyak na ang pambansang pondo ay magagamit alinsunod sa tamang layunin nito, sa tamang panahon, tamang ahensya at tama rin dapat ang presyo ng mga kagamitan at proyektong paglalaanan nito.

Inihalimbawa ni Recto, ang mababang utilization rate o paggastos sa pambansang pondo noong 2022 kung saan hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang taon ay may matitira pang P784.8 billion, bukod pa rito ang P88.8 billion na hindi pa nailalabas na pondo.


Giit ni Recto na hindi na dapat maulit ang mga lumabas sa report ng Commission on Audit o COA ukol sa mga kuwestiyunableng procurement at malalaking unobligated amounts ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Pangunahing ding kinastigo ni Recto ang pagtenga ng pondo ng mga ahensya sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) at sa Philippine International Trading Corporation ng Department of Trade and Industry.

Diin ni Recto, layunin ng 2023 budget na maibagon ang bansa mula sa pandemya pero hindi ito makakamit kung magiging makupad at kwestyunble ang paggastos sa budget.

Facebook Comments