Ikinagulat ng international singer na si Lea Salonga ang mga maling nakalagay sa self-learning modules na ipinamahagi ng Department of Education (DepEd).
Base sa nakaimprenta, may visual na “orange” at “ostritch” na inihahalimbawa ang mga salitang nagsisimula sa titik “o” pero sa halip na drawing ng ostritch ang nakalagay ay isang “kwago” o “owl” ang nakaimprenta sa mga modules ng mga mag-aaral sa primary school.
Nasundan pa umano ito ng iba pang mga maling sentence at matching test na nakaimprenta dahilan para lalong mairita at madismaya ang 49-year-old singer.
Kumalat umano sa social media ang naturang mga litrato bagay na hindi naman kinumpirma ng pamunuan ng DepEd kung sa kagawaran nanggaling ang mga learning materials.
Samantala, sinabi naman ni Education Undersecretary Tonisito Umali na “quality assured” ang mga self-learning modules na ipinamahagi ng DepEd pero nagpapasalamat pa rin ang opisyal na naiparating sa sa kanilang ahensya ang mga pagkakamali sa modules para maisaayos ang mga ito.