Pagbiyahe ng mga tren, tuloy ngayong araw sa harap ng pagsasaayos ng turnouts sa Taft Avenue station

27

Tuloy-tuloy ang pagbiyahe ng mga tren ng MRT-3 sa mainline mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station ngayong araw.

Ito ay matapos magpatupad ang pamunuan ng MRT-3 ng partial operations ng mga tren, sa halip na ipatupad ang nakatakdang full suspension of operations upang bigyang-daan ang pagsasaayos ng mga turnouts sa Taft Avenue station.

Magpapatuloy ang pagpapatupad ng partial operations hanggang bukas.

Magkakaroon din ng ganitong operasyon sa ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre, at ika-14 at 15 ng Nobyembre 2020.

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa sa buong linya ng service provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Patuloy namang ipinatutupad ang mga health at safety protocols sa loob ng mga istasyon at tren, kabilang ang pananatili ng isang (1) metrong distansya sa pagitan ng mga commuter, temperature check, palagiang disinfection, pagsusuot ng tamang face shield at face mask, pagbabawal sa pagsasalita at pagsagot ng mga tawag sa anumang digital device.

Facebook Comments