Lea Salonga, maling na-introduce sa isang TV show sa UK

Nalagay sa alanganin na sitwasyon ang host ng isang TV show sa United Kingdom na si Stephen Dixon matapos na magkamali sa introduction sa international performer na si Lea Salonga.

Ang Filipina singer-actress ang guest ni Stephen at ng kanyang co-host na si Gillian Joseph sa July 5 episode ng Sunrise dahil ipino-promote niya ang kanyang concert tour sa United Kingdom na nagsimula kahapon July 7 at matatapos sa July 21, 2019.

Imbes na kasi ang pangalan ng Broadway star ang tawagan ay napagpalit ni Stephen ang introduction sa environmentalist na si Anna Hughes.


Mabilis naman na sinagot ni Lea ang host at sinabing hindi siya si Anna Hughes at wala itong alam sa nangyayari.

Awkward na awkward ang eksena pero pinilit ni Stephen na isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Lea ba ang kanyang kaharap na kinumpirma ng Filipina singer.

Tinanong pa ni Lea ang host kung gusto nitong sabihan ang gagawin kung bakit siya naroon o kailangan muna nilang mag-break.

Agad namang humingi ng paumanhin si Stephen sabay nag-break ang programa habang nakangiti at tawang-tawa sa nangyari ang batikang singer.

Hindi naman malaman ni Gillian ang magiging reaksyon kaya napahawak na lang ang kanyang kamay sa mukha dahil sa pagkakamali ng co-host niya sa live telecast ng kanilang programa.

Dahil sa insidente, marami ang pumuri at humanga sa maayos na pag-handle ni Lea nasabing sa embarrassing situation.

Facebook Comments