Pagsabog, naitala sa isang mall sa Florida

Umabot sa 21 ang sugatan sa pagsabog mula sa isang shopping mall doon sa Florida.

Gas leak ang itinuturong dahilan sa pagsabog sa Fountain Plaza Shopping Center at nasira rin ang isa fitness gym doon.

Nadamay din ang maraming bilang ng mga sasakyan at mga building sa nasabing pagsabog sa plantation, nasa 50 kilometro ang layo sa Miami.


Sa isang statement, kinumpirma ng Philippine Consulate na batay sa kanilang ginawang pagtatawag sa Philippine community sa Plantation, Florida at pag-monitor sa social media, walang Pilipinong napaulat na kasama sa mga biktima sa naturang pagsabog.

Facebook Comments