Lea Salonga, overwhelmed sa supporta ng kaniyang fans sa kabila ng mga bashers

Overwhelmed si international singer Lea Salonga matapos ipagtanggol ng kaniyang fans laban sa kaniyang mga bashers.

Ayon sa international singer, masaya at nagpapasalamat siya sa mga taong hindi siya iniwan sa kaniyang mga laban sa buhay.

Samantala, viral din sa social media ang aktres na si Angel Locsin dahil sa kaniyang latest pictures na nag-trending matapos pag-usapan ng mga netizen.


Nadagdagan kasi ng timbang at mapapansing lumaki ang katawan ni Angel, kung saan marami ang nagulat at nabigla sa itinaba ng aktres.

Matatandaang dati nang nagbigay ng reaksiyon si Angel sa mga netizen at sinabing “katawan ko ‘to, ako ‘to, at sarili ko ‘to.”

Facebook Comments